Abante Tonite Interactive

Christian babae ang huling ibinatibot

0 585

Kung karamihan ay nagdabog ang bangs at umarko ang kilay sa MMFF finished film selection, mas positibo ang pagtanggap sa sampung pelikulang kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magaganap ngayong Setyembre 13-19.

Ang mga kalahok ay ang “Cuddle Weather” kung saan bida ang Millennial Braless Queen Sue Ramirez at ang nasa taping na si RK Bagatsing. Bilang paid lover ang katauhan sa pelikula, wala na rin kaya siya laging underwear at may kapote bang suot ang kanyang tinatagong batuta?

Hindi ako sure kung makakatulong sa pelikula ang paandar ni Ramirez na braless siya.

Sa true lang, ang kanyang pagbibigay-buhay sa pagiging pokpok ang pangunahing bentahe ay ang kanyang katawan, ang lalim ng characterization niya. Hahahaha! Hindi kaya mapoot kay Sue ang mga babaeng sanay na hindi nagba-bra pero hindi naman mga kala­pating mababa ang lipad ang profession?

Sa ikalawang pelikula, ang “LSS (Last Song Syndrome)” ni direk Jade Castro kung saan bida sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia at ang mga kasali sa “Ben and Ben”, may paandar rin naman si Tuesday Vargas na one of those supports sa romcom.

Sa “The Panti Sisters” na bida sina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario, ang diva that you love, shookt sa ipinahayag ni Bables.

Dahil nga mahusay siyang gumanap sa katauhang bakla, para mabura ang alinlangan at agam-agam ng mga nang-uurirat tungkol sa kanyang pagiging lalaki at pagkalalaki, ang kanyang pasabog, “Basta ako, ang huling pinag-jakulan ko, babae!”

Juice colored! Paano kaya tatapatan nina Paolo at Martin ang ganyang payanig, huh!

McCoy, Jameson, Paulo, Mark nagpakita ng puwet

Parang si Paulo Angeles, isa sa mga bida sa “G!”, ang pang-apat na kalahok ang gustong kumabog sa pasabog ni Bables. Ang kanyang drama, “‘Yung iba diyan, walang panty, walang brief, kami kita ang puwet!”

Kasama ni Angeles sa pelikula sina McCoy de Leon, Jameson Blake at Mark Oblea. Sa mga binatang bida, siguradong hindi puwet ang gustong masila­yan ng mas nakakarami sa mga nabanggit na young actor.

Sa diva that you love, malakas ang dating ni Mark, huh. Nakaka-wet, wet, wet siya. Naman!

Sina Maris Racal at Iñigo Pascual naman ang bida sa “I’m Ellenya L.” Si Racal, walang halong pag-iimbot at buong katapatang inaamin na “Ako po kasi, walang boobs!”

Ano kaya ang official reaction ni Iñigo sa pahayag ni Racal? Ito rin kaya ang pelikulang siyang dahilan kaya naghiwalay ang kanilang de-kolor at puti? Sabi ni Boy 2 Quizon, na director ng pelikula, pambarag sa mga millennial, basher at hater ang kanyang pelikula.

Sa “Open”, ang sabi ni JC Santos, “May mga kilala akong mga kaibigan who are in an open relationship. I am passing no judgment. Consenting adults naman sila. Personally, it is not my cup of tea. Gusto ko, ako at ang girlfriend ko, exclusive. Kami lang.”

Marami rin siyang sexy scenes sa movie at ang dagdag pahayag ni Santos, “I don’t mind being treated like a sex object.”

Si Vance Larena naman, ang opinyon tungkol dito, “It’s not for everyone. Siguro ‘yung mas gusto ang adventure, experimentation, ‘yung treating sex as a sport, gusto nila ang ganyan. Hopeless romantic kasi ako. ‘Pag nagmahal ako, isa lang.”

Kasama nila Santos at JC sina Arci Muñoz at Ina Raymundo.

Kasali rin sa sampu ang “Watch Me Kill” kung saan ang mahusay na drama queen Jean Garcia ay isang assassin with Jay Manalo.

Sentimental favorites ang tatlong huling pasabog na pelikula, ang “Circa” na parang assembly of the Philippines finest actors and actresses sa pangunguna ni Ms. Anita Linda, the late Eddie Garcia, Gina Alajar, Laurice Guillen, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, & Ricky Davao.

Ang isa pang pambansang kayamanan na si Ms. Angie Ferro ang bida sa “Lola Igma” kasama sina Yves Flores, & Meryll Soriano. Sharp at witty pa rin si Ms. Ferro na dumalo sa presscon at talagang she was all glammed up at ready to rumble.

Ang last entry and certainly not the least, ang “Pagbalik,” isang black and white Visayan motion picture kung saan ang bida ay si Ms. Gloria Sevilla at Suzette Ranillo. Para ba itong Filipino version ng “On Golden Pond” kung saan bida ang mga Fonda, ang patriarch na si Henry Fonda at ang naging Hollywood icon na si Jane Fonda?

Good luck sa PPP sa Setyembre. Mas maraming magaganda at makabuluhang pelikula, more chances of winning ang mga nagmamahal sa pelikulang Pilipino!