Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Christian ‘di napurdoy sa pandemya

0 127

Matagal din naming hindi na-interview si Christian Bautista mula ng magpandemya last year. Sa guesting niya sa show namin , ang Showbiz Cafe ng FYE Channel sa Kumu ay nakuwento niya kung ano ang mga pinagkakaabalahan. Naka- first dose na ng bakuna si Christian at dasal niya talaga ang magbalik na sa normal ang lahat.

Financially hindi naman siya nahirapan pero aminado siyang binago raw ng pandemya ang entertainment industry.

Sabi niya, ” I need to do business. I need to advise the next generation kung ano pa ang pwedeng gawin.”

Hindi naman nakiayon si Christian sa mga kapwa niya performers na mag-virtual concert although isa siya sa mga nasa likod ng virtual concert ni Alden Richards. Katwiran niya ay hindi raw ganon kadali at iba pa rin ang live concerts.

Chesca mas boto sa ex ni Kiko

Binibigyang kahulugan ng mga netizen ang comment ni Chesca Diaz sa post ng dating PBB at aktres na si Devon Seron. Sa post niya kasi sa IG ay kasama ang ama na binati niya nu’ng father’s day. Komento ni Chesca, nanay ni Kiko Estrada na ex bf ni Devon, ” Happy fathers Day.Truly you raised a very good daughter.”

Kaya naman ang mga netizen ay nag-react na mas boto raw yata ang nanay ni Kiko sa ex nito. Sabi ng isang anonymous, ” Medyo insensitive si Chesca sa part na yan. Ano nalang mararamdaman ni H?”

SM food to go Banner Ad

Obviously ang “H” na tinutukoy ay si Heaven Peralejo na dahilan na present gf daw ni Kiko pero walang pag- amin. Huling nakita ang dalawa na magka-holding hands while walking at magkasama sa Boracay.

Charlie ‘tinuhog’ sina Joshua, Jameson

Bongga ang aktres na si Charlie Dizon dahil siya pala ang susunod na ipu-push ng ABS- CBN na maging malaking artista.

Ang upcoming seryeng ” Viral,” pala ay iikot sa kwento ng karakter niya.

Hindi nga din masabi ni Joshua Garcia kung siya o si Jameson Blake ang ka-loveteam. Tutuhugin kaya ni Charlie ang dalawa sa serye?

According to our source ay magsa-shine nang husto si Charlie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.