Abante Tonite Interactive

Christian, iba ang level kay Paolo

By
6

INI-LAUNCH kamaka­lawa nang gabi sa Edsa Shangri-La ang mga pasabog na programang mapapanood sa Cignal Entertainment.

Masaya nilang ibina­lita na magmula nang ini-launch ito nu’ng 2015, umabot na ng halos da­lawang milyong subscri­bers.

Nangako sila na lalo nilang pagagandahin, at i-introduce na nila ngayon ang mga bagong programang prinodyus ng iba’t ibang production house na makaka-partner nila.

Isa sa magpi-premiere na ay ang initial production ng Masque Valley Productions na Tukhang.

Four-part series ito na pagbibidahan nina James Blanco at Karel Marquez at dinirek ni Lawrence Fajardo.

Mapapanood na ito sa July 22, Sabado sa Co­lours, Sari-Sari at Bloomberg TV Philippines.

Kasama rito ang ma­tagal naming nakasama sa Startalk na si Butch Francisco.

Sabi ni Butch, parang nag-Startalk lang siya rito dahil isang News Anchor ang ginagampanan niya rito.

Natatawa na lang siya minsan dahil naalala niya nu’ng panahon ng Startalk na sa mga promo nito ay sinasabi na niya ngayon ang madalas na sinasabi ng mga artistang nagpu-promote dati sa Startalk, gaya ng “maganda po ito, talagang pinaghirapan namin ito para ma-enjoy ng mga manonood.”

“Imagine, naiirita ako sa mga artista dati na nagpu-promote sa Startalk na ganun lagi ang sinasabi nila. Ngayon, sinasabi ko na ‘yan, parang nakarma lang ako,” natatawang pahayag ni Butch.

***

May prinodyus din ang Idea First nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan na series, na bale spin-off ng Die Beautiful.

This time, si Christian Bables na ang bida, at Born Beautiful na ang title.

Na-enjoy ni Christian dahil ang laki ng nagawa ng Die Beautiful sa kanyang career.

Wala sa isip niyang maiku-compare siya kay Paolo Ballesteros dahil iba ito.

paolo-christianMaaring malaking challenge ito sa kanya, pero hindi siya nape-pressure na maaring maikumpara siya kay Paolo.

“Wala po talagang pressure. Siguro, na-OC lang ako as an actor kung papano ko ma-manage ‘yung bawat character na ginagampanan ko sabay-sabay.

“Kasi ang dami ko pong ginagawang sabay-sabay.

“Yung Born Beautiful po, I take it as one of God’s plan for me na tingin ko hindi ko naman kailangang ika-pressure.

“Dapat ko siyang i-enjoy, kasi ay believe this is for me,” pahayag ni Christian.

Bukod dito sa Born Beautiful ay katatapos lang niya ng Ghost Bride sa Star Cinema, at meron pa siyang ginagawa sa Regal Films.

Bago matapos ang taong ito, baka magkaroon daw ng Christian Bables Festival kung magkasabay-sabay ang showing ng mga ito.

Sobrang overwhelmed daw siya sa magagandang nangyayari sa career niya, kaya doble-doble ang pasasalamat niya sa Diyos sa magagandang nangyayari sa kanyang career.