Abante Tonite Interactive

Christian jackpot sa sosyalerang dyowa

By
38

SA isang tsikahan with some socialites, marami kaming nalaman tungkol sa fiancé ni Christian Bautista, si Kat Ramnani.

In fairness, magagandang bagay ang narinig namin sa mga nakatsikahan namin tungkol kay Kat. Sobrang mabait at ma-PR daw si Kat at natutuwa sila na ­engaged na ito at si Christian.

She said yes. 😙10/30/2017 Venice

A post shared by christian bautista (@xtianbautista) on

Sabi pa ng isang kausap namin, “Do you know na ang taba noon ni Kat at bumilib kami sa kanya dahil ang laki ng ipinayat niya?”

Nag-Google pa ang isa sa mga katsikahan namin ng picture ni Kat noong mataba pa siya at bumilib kami sa nakita namin. Ang laki, as in ang laki-laki ng ipinayat niya, huh!

Eating right and healthy plus exercise ang dahilan ng pagpayat ng fiancé ni Christian, kaya marami talaga ang bilib sa kanya.

Sabi pa ng isa sa mga katsikahan namin, “Jun, tularan mo si Kat, papayat ka rin!”

Anyway, bibilib ka rin kay Kat dahil sa Google pala siya unang nag-work and after, sa Facebook, then Apple at kung saan-saan pa at napakagaling daw talaga ng fiancé ni Christian.

Jay-R at Mica amoy kasalan na

NASA isang Korean restaurant kami last week kasama ang manager ni Martin Nie­vera na si Joy Alonzo nang makita namin si Jay-R kasama ang girlfriend niyang si Mica Javier.

Lumapit pa sa mesa namin si Jay-R para maki­pagtsikahan. Nanghinayang si Jay-R na moved to next year ‘yung Soul Brothers concert series nila nina Billy Crawford at Kris Lawrence sa Amerika dahil kumpleto na sana ang plano nila.

Eh, taga-Amerika naman talaga si Jay-R, kaya mabi-visit­ sana niya ang kanyang pamilya at may mga gagawin din sana siya na kailangan din niyang baguhin na ang plano dahil nga sa last minute na pagkaka-moved to next year ng kanilang concert series.

Sabi namin kay Jay-R, mas okey naman ‘yon dahil sinabi sa amin ng promoter ng Soul Brothers na mas marami na silang gagawing shows dahil nga moved sila ng March next year.

Marami nga pala ang humuhula na ang current girlfriend na ni Jay-R ang babaeng pakakasalan niya!

Heart talong-talo sina Eula, Mylene

NAKITA namin ang My Korean Jagiya director na si Mark Reyes sa BGC (Bonifacio Global City). Kinongratulate namin si Direk Mark dahil tanging ang My Korean Jagiya na pinamamahalaan niya ang nakakatalo sa katapat nila na The Good Son sa ABS-CBN.

Ang mga katapat kasi ng FPJ’s Ang Probinsyano at La Luna Sangre ng Kapamilya network sa Kapuso network ay talbog na talbog nila.

Sabi ni Direk Mark, he’s thankful na nagre-rate nga ang primetime series na pinagbibidahan ni Heart Evangelista.

At least, may nakalusot na primetime series ang Siyete pagdating sa rating game dahil ang afternoon series nila na Ika-6 Na Utos, Impostora at Haplos ay pare-parehong pa­nalo sa mga katapat nila sa Dos, huh!