Abante Tonite Interactive

Christian-Kat, gagayahin ang Juday-Ryan wedding

By
24

NANIBAGO kami kay Christian Bautista nang makausap namin ito sa presscon ng My Love From The Star dahil sobra na itong malihim sa kanyang lovelife.

As in ayaw pag-usapan ni Christian ang relasyon nila ng non-showbiz girlfie niyang si Kat Ramnani.

Corny na raw siya pagdating doon at panay ang sabi niya sa amin na off the record na lang, tapos ay sorry siya nang sorry sa pag-iwas niya sa mga tanong namin.

Sa social media ay makikita ang sweet posts nina Christian at Kat, pero okey na raw ‘yon dahil mas kontrolado.

Sey ni Christian, desisyon niya ito dahil dati ay palagi siyang open sa kanyang personal life. Itatago naman daw niya this time at sa social media na lang makikita.

Nag-a-abroad sila together ni Kat at pinu-post nila ‘yon sa Instagram.

Base sa isang IG post ni Kat ay nag-1 year na sila ni Christian last November.

Seryoso ang relasyon nila, sabi ni Christian.

Wala silang problema, they’re going stronger at happy sila together.

35-anyos na ang Kapuso actor-singer kaya alam niyang marrying age na siya.

Ayaw niyang sagutin nang diretso, pero posible na next year na ang kasal.

Aniya, baka parang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na lihim ang naging kasal at nu’ng tapos na ay namigay na lang ng wedding pictures sa press.

Christian plays Winston, ang rich best friend ng bidang si Steffi Chavez (Jennylyn Mercado) sa My Love From The Star.

Patay na patay siya sa karakter ni Jen, pero lagi siya nitong binabasted.