Abante Tonite Interactive

Christian keber kahit ‘tagahugas ng paa’ ni Jericho

611

Isa sa mga pinaka­kilalang support sa “Halik” na malapit na ang pagwawakas ay si Christian Bables. Ang katauhan niya ay si Barry, best friend ni Lino (Jericho Rosales).

Inamin ni Bables na ang pagiging Barry, maraming pagbabago ang dinulot sa kanyang buhay. “Nakakatuwa nga kasi ngayon ko na-feel na…kasi after ‘Die Beautiful’ medyo nagkaroon na rin naman ako ng name. ‘Pag nasa mall ako, tinatawag na akong Barry. Medyo ang hirap ko na makapunta sa pupuntahan ko kasi ang dami nang nagpapa-picture. Well, that’s part of the job. Wala akong complaints. Masarap sa pakiramdam na kahit sa pagpapa-picture, napapasaya ko sila.”

Patuloy ni Christian, “When I was offered this show and sabi nga it’s going to be with Jericho (Rosales), ay sabi ko kahit tagahugas ng paa ni Jericho Rosales, wala akong pakialam. Kung mayroon pang mas mabigat na word for idol, ‘yun si Jericho for me. He’s an icon for me.”

Kamusta naman ang kanyang Jericho Rosales work experience?

Sagot agad ng binatang matangos ang ilong, “I feel so blessed working with Echo dahil bukod sa nagkaroon ako ng mahusay na katrabaho, nagkaroon ako ng kaibigan. Siya ‘yung napapagtanungan ko ng mga hindi ko naiintindihan sa industriya. Kasi baguhan pa lang ako. Every time na magkaeksena kami, nararamdaman ko yung puso sa puso. Nararamdaman mo yung puso ng isang actor na passionate. Ang sarap-sarap umarte ‘pag siya ‘yung katrabaho mo.

So…dream come true kasi isa sa siya sa mga local actors na gusto kong makatrabaho.”

Sabi pa ni Bables, “Unti-unting bumaba ‘yung wall ko sa kanya. Echo ka, rito lang ako. Parang ganoon. Siya ‘yung lumebel sa akin. Hinila niya ako paitaas para lumebel sa kanya.

“Yun ang isa sa mga itinuro niya sa akin…tao lang din naman ang mga iyan. We all share the same space one way or another. Hindi mo sila dapat tignan na higher than you.”
***

Ria, JM walang label ang millennial romance

Ang isa pang kasama sa “Halik” ay si Ria Atayde na marami ang nanalig na may intimate connection na kay JM de Guzman.

Inaamin ni Atayde na “special” ang kanyang tu­ring sa binata pero kung ito ay nanliligaw, tila hindi niya pa alam kung ganu’n na nga ang ginagawa nito sa kasalukuyan.

Iba na raw kasi ang dynamics ngayon ng mga modern day relationship. Ganoon? May dynamics na talaga? Ano ito, basta magaan ang loob nila sa isa’t isa, naging malapit, may qua­lity time spent pero walang label kung mag-ano sila?

Ganyan na ba ang millennial romance? Walang label, basta masaya, magaan at mara­ming adventures na pinagsasaluhan?

Para kay Ria, si De Guzman ay, “Mapagmahal sa pamilya, mares­peto, maabilidad, passio­nate, really passionate and talented.”

Ang kanyang damdamin naman ngayong matatapos na ang “Halik” ay: “Nakakatuwa na we’re ending still high profile, high ra­tings. Sobrang nagpapasa­lamat kami for continuous support, pero bitter kasi mami-miss ko sila. Sobrang sepanx.”

Kung ang cast ay may separation anxiety sa pagtatapos ng “Halik,” walang duda na ang mga sumusu­baybay rito, ganoon rin ang pakiramdam. Marami talaga ang lulong at na-adik sa nasabing kabitan-serye, huh!