Abante Tonite Interactive

Christian, kinabog ang idolo

By
Christian Bables
9

KINABOG ni Christian Bables ang idol niyang si John Lloyd Cruz sa Best Supporting Actor category ng 40th Gawad Urian.

Wagi ang beki role ni Christian bilang Barbs sa Die Beautiful, tinalo niya ang transvestite character ni John Lloyd na si Holanda sa Ang Babaeng Humayo.

Sobra ‘yung tuwa ni Christian, na after tanggapin ang kanyang Urian trophy ay may nakita kaming video na napaya­kap siya kay Lloydie habang naiiyak.

Masaya rin siyang niyakap ni JLC, na tinapik-tapik pa siya sa balikat.

“Kuya!!!” ang emosyonal na sigaw ni Christian kay Lloydie habang hawak ang kanyang tropeo.

Naaliw si Lloydie dahil pinagkumpulan sila ng photographers, kaya sabi nito kay Christian, “Du’n tayo, du’n tayo!”

“Yeeheeee!” masa­yang reaksyon ni Lloydie, na kinuha pa at tiningnan ang trophy ni Christian, na tumatalon sa sob­rang tuwa.

Last year ay si John Lloyd ang Urian Best Actor para sa Honor Thy Father.
Magkasama sina Lloydie at Christian sa pelikulang Finally Found Someone.

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

Nu’ng presscon ng JLC-Sarah Geronimo movie ay sinabi ni Christian na sobrang saya niya na kasama siya sa pelikula ng dalawa.

Sa acting workshops niya kasi dati ay pinag-aaralan niya lahat ng mga pelikula ni Lloydie at ginagawa niya ang mga eksena nito.

Sa movie ay sila lagi ang magkaeksena dahil PR trainee ni Lloydie ang role niya.

Hindi siya beki sa AshLloyd movie kaya ang sarap ng pakiramdam ni Christian na lalaki ang karakter niya.

Hindi siya kailangang mag-heels at magsuot ng panty gaya sa Die Beautiful.

Nang i-offer sa kanya ang project ng Star Cine­ma ay sobrang tuwa ni Christian dahil kasama rin dito ang idol niyang si Sarah. Aminado siyang isa siyang Popster.

Ani Christian, as a fan ay unimaginable ang kabaitan ng dalawa.

Si Lloydie ay hindi lang siya kinakausap sa set kundi binibigyan pa siya ng advice sa acting at sa life.

Si Sarah ay ate ang turing niya.

Ang sarap daw sa pakiramdam na ang mga taong ito ay may time at may puso na makipagkuwentuhan sa isang kagaya niya na baguhan lang sa industriya.

In fairness ay ang daming ginagawang pelikula ni Christian, kaya biniro siya ni Lloydie na meron siyang sariling film festival.