Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Christian muntik magsaka sa kawalan ng raket

0 393

NI: ARCHIE LIAO

Tulad ng ibang singers at concert performers, aminado ang Kapuso balladeer na si Christian Bautista na apektado siya ng kasalukuyang pandemya.

Katunayan, literally jobless daw siya for months simula nang magkaroon ng lockdown.

Dahil walang raket, naisipan daw niyang mag-iba ng career.

SM food to go Banner Ad

Dumating daw siya sa puntong ikinunsidera niya ang pagsasaka.

Naging option din daw niya ang pumasok sa opisina.

Gayunpaman, thankful pa rin siya dahil may trabaho ang kanyang misis na si Kat na kilala sa corporate world.

Hirit pa niya, malaking adjustment din daw sa lifestyle nila ang community quarantine.

Nagpapasalamat naman si Christian dahil kamakailan lang ay nakabalik na siya sa trabaho bilang isa sa mga hurado ng isang show ng GMA 7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.