Abante Tonite Interactive

Christine bumibigay sa request

545

By RFC

Walang kupas ang alindog at kaseksihan ni Christine Almaden.

Produkto siya ng pageant pero ngayon ay isa na siyang DJ-endorser.

Mababasa sa kanyang Instagram account:

“I learned patience, perseve-rance, and dedication.

“Now i really know myself and i know my voice.

“Its a voice of pain and victory.”

Sinubukan na rin niya dati ang mag-showbiz. Kung mabibigyan daw siya ulit ng pagkakataon ay tatanggapin niya. Pero priority niya ngayon na makatapos sa pag-aaral.

Kumukuha siya ng Protection, Security and Investigation sa Toronto pero nagbabakasyon daw siya ngayon sa Pilipinas.

“Na-miss ko rin kasi ang mag-DJ,” aniya.

Ang sexy naman niyang DJ! Ang mga kalalakihan, siguradong panay ang request sa kanya ng mga tugtugin habang nakasalang siya, na paraan lang para makaporma sa kanya.

Paano niya isasalarawan ang kanyang kaseksihan?

“For me, real sexiness is h­aving self worth. It’s how you handle your self beyond your physical attributes.”