Abante Tonite Interactive

Christine umayuda sa Tarlac

0 594

NI: ROLDAN CASTRO

Ibang klase ang teen actress na si Christine Lim dahil gumawa siya ng ayuda-serye sa mga kababayan niyang naka-quarantine sa Capas, Tarlac.

Nu’ng April 8 inilunsad ng AsterisK talent na ito ang “Lingap-BAYANi Project” . Isinasalarawan niya ito bilang “fundraising activity, which gives utmost recognition and support to our BAYANi-healthworkers and frontliners.”

Bahagi nito ay ang kanyang proyekto na “TENTative Home” na tinawag niyang OspitalNingCapas . Isa itong hospital tent na merong 20 beds, mats, aircon/ electric fans, at unan.

Walang pag-aalinlangan na isinagawa niya ang proyektong ito nang malaman niya na kulang sa tutuluyan ang mga frontliner.

“It’s a small project close to my heart because my father ( Mayor Reynaldo Catacutan) himself is a frontliner.He serves Capas and stays away from home to ensure our safety so I personally know the hardships of other frontliners. More so, medical frontliners.”

Dagdag pa niya, “This initiative is being pushed through to protect our first line of defense.”

Bukod sa hospital tents, “Lingap-BAYANi Project,” namudmod din siya ng 7,500 boxes ng powdered milk ng mga bata na ang edad ay nasa 1 to 3.

Through “LingapBatangCapaseños (AyudangGatas),” the group was able to collect Nag-provide din siya ng mga personal protection equipment (PPEs) including isolation gowns, N95 and surgical masks, alcohol, shoe covers, Hazmat suits, safety goggles, at surgical gloves sa mga medical frontliner.

Namigay rin siya ng UV Cabinets that can disinfect protective personal equipment using ultraviolet rays. Nag-donate din siya ng mga food packs, pieces of Vitamin C bottles, maternity kits, sanitary napkins, Ethyl Alcohol 70% Solution, face masks and latex examination gloves .

Anyway nakatakdang mapanood si Christine sa TV series titled “My Extra Ordinary”. Kasama niya rito sina Enzo Santiago, Darwin Yu, Kamille Filoteo, Karissa Toliongco, EJ Coronel, and Sam Cafranca. Prodyus ng AsterisK Digital Entertainment, Ang “My Extra Ordinary” ay ipapalabas sa TV5, Colours at YouTube.

Tonite – Wendys Inhouse Ad