Abante Tonite Interactive

Christmas ‘biyenan’ si Jordan

445

May ugnayan ang bagong import ng Magnolia na si Rakeem Christmas kay basketball legend Michael Jordan.

Girlfriend ni Rakeem ang anak ni MJ na si Jasmine Jordan.

Nitong May, iniluwal ni Jasmine ang anak nila ni Rakeem.

Abante Hiring – IT dep

Lolo na si Michael Jordan, ang itinuturing ng marami na Greatest of All Time o GOAT ng basketball.

“He is a great guy, he’s very humble and down-to-earth,” ani Christmas sa ama ng kanyang girlfriend.

‘Di lang merry ang debut ni Christmas sa PBA dahil natalo ang Hotshots sa TNT KaTropa 98-83 Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pero may pagkakataong bumawi si Christmas, pasok sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup ang No. 5 Magnolia at haharapin sa best-of-three series ang No. 4 Ginebra umpisa bukas, Sabado, sa Mall of Asia Arena.

Nagkakausap rin daw sina Christmas at Jordan, may-ari ng Charlotte Hornets.(Vladi Eduarte)