Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Christmas bonus ibigay ng maaga

0 125

Hinimok ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang mga nasa pribadong sektor na ibigay ng maaga ang 13th-month pay o yearend bonus ng kanilang empleyado.

Kasabay ito ng pahayag na matatangap na ng may 1.5 milyong government workers ang kanilang Christmas bonus.

“I am assuming that the budget secretary has released the funds needed for the payment of the government workers’ Christmas bonus and P5,000 cash gift,” ayon kay Defensor kasabay ng pagsasabi na kung mayroon nang pondo ang mga ahensiya ay dapat simulan nang ibigay ang bonus sa Nobyembre 15.

Ayon kay Defensor sa ilalim ng Section 8 ng Republic Act No. 11466 o Salary Standardization Law 5, ang year-end bonus na katumbas ng isang buwang sahod kasama ang P5,000 cash gift ay dapat na ibibigay sa buwan ng Nobyembre ng kada taon. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.