Abante Tonite Interactive

Christmas Light Tunnel sa Tiendesitas

38

Hindi kailangang ma-miss ngayong Christmas season ang kumukuti-kutitap na Christmas Musical Street Light Tunnel sa Ortigas East na da­ting Fortera Verde sa likod lang ng Tiendesitas sa Pasig City.

Light TunnelGinaya ito sa holiday light tunnel ng Kyoto sa Japan, Vancouver sa Ca­nada at Norwich sa United Kingdom.

Mayroon itong 2,368 pixels of light na ipina­libot sa habang 1.4 kilometers. Nag-iiba ang kulay ng mga ilaw na red, blue, at green kasabay ng tugtugan.

Tiyak na matutuwa ang buong pamilya lalo na ang mga bata sa mga dazz­ling lights na sinabayan ng mga Christmas songs. Mayroon ding ‘banchetto area’ kung saan puwedeng magsalo-salo ang pamilya.

Ang Christmas Musical Street Light Tunnel ay magtatagal hanggang January 7. May iba pang attractions and activities sa lugar kagaya ng Christmas Display sa C5, Tiendesitas, Meet & Greet Santa tuwing weekends ng Disymbre at fireworks tuwing Sabado at Simbang Gabi mula December 16 to 24.