Abante Tonite Interactive

Christmas malungkot ang unang salang sa Magnolia

435

Nagsumite lang ng walong puntos sa binyag niyang laro si Rakeem Christmas para sa Magnolia Pambansang Manok nang lantakan ng TNT ang 98-83 desisyon sa baba ng kurtina ng PBA Commissioner’s Cup eliminations Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Pinaglaruan ni Terrence Jones ang triple-double sa kayod na 26 points, 13 rebounds at 8 assists para sa eight straight win at top seed na may pabu­yang twice-to-beat para KaTropa sa quaterfinals. Makakatuos ng TNT ang mananalo sa magna-No. 8 sa Alaska-Meralco playoff winner bukas.

Kinumpleto ng dating NBA (Indiana Pacer) player­ na si Christmas na humalili kay James Farr ang malam­yang gabi sa 14 boards at 3 feeds upang humaba pa sa apat ang bangungot ng Hotshots na lumanding sa No. 5 at katapat ang No. 3 Barangay Ginebra San Miguel sa quarters.

Ang iskor:

TNT 98 – Jones 26, Pogoy 20, Castro 13, Heruela 13, Magat 8, Reyes 5, Trollano 5, A. Semerad 3, Washington 3, Bono 2.

Magnolia 83 – Lee 23, Simon 16, Sangalang 15, Jalalon 9, Christmas 8, Pingris 6, Barroca 2, Dela Rosa 2, Herndon 2. (Lito Oredo)