Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Christmas party sa PNP bawal – Sinas

0 202

Bawal ang pagdaraos ng Christmas party sa Philippine National Police (PNP) dahil sa patuloy na pananalasa ng pandemic na coronavirus disease 2019 (2019).

Ayon kay PNP chief General Debold Sinas habang banta ang COVID-19 ay diniscourage ng national government ang pagdaraos ng mga Christmas parties sa mga ahensya kaya hindi iba dito ang PNP.

Bukod dito kokontrolin din ng kapulisan ang Misa De Gallo dahil hindi umano maaring sobrang dami ng tao sa mga simbhan at kinakailangang sumunod sa health protocols ang mga dadalo ng misa.

“The policy of the government is wala, mayroon na po kaming inilabas na direktiba na walang Christmas party. In fact sabi ko nga, ‘yung Misa De Gallo dapat controlled din,”pahayag ni Sinas sa isinagawang panayam sa pagdalo nito sa 81st founding anniversary ng Quezon City Police District kahapon ng umaga.

“Kung gusto ng mga simbahan natin na nandoon sa Crame na mag-Misa De Gallo, control din at gamitan ng zoom. Kapag ang authorized 30%, ‘yun lang dapat,” dagdag nito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.