Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Christmas Shoe Bazaar ng Marikina binuksang muli

0 120

Binuksan na muli ang taunang Christmas Shoe Bazaar na naglalayong makatulong sa mga magsasapatos at mabuhay ang shoe capital ng bansa na Marikina City.

Nasa 40 Marikina manufacturer ng footwear at leather goods ang sumali sa bazaar na magpapakita ng kanilang mga nahinang na produkto, kabilang ang mga sapatos, bag, at sinturon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, magtatagal hanggang Enero 15, 2022 ang bazaar na makikita sa Freedom Park, harap ng City Hall.

“Naniniwala ako na ang sapatos, lalo na dito sa Marikina, hindi mawawala. Hindi tayo puwedeng igupo ng anumang pandemya o anumang pagsubok. Alam n’yo kung bakit? Mahal natin ito, eh.” (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.