Abante Tonite Interactive

Christmas shopping tips

0 81

Sa Panahon ngayon kailangang maging maaga sa pagsa-shopping. Hindi na kailangang mag-panic kung wala ka pang nabibili o walang time na mamili.

Maraming tiangge ngayon at sale kaya pasyalan na at mamili na dahil sulit sa bulsa ang mga paninda.

Narito ang ilang tips upang hindi mangarag sa pamimili ng pamasko para sa mga inaanak, kaanak at mahal sa buhay.

1. Gumawa ng listahan.
Mabuti na ang may listahan ng mga taong pagbibigyan upang walang makalimutan. Batay sa research, kapag aligaga ang isang buyer sa loob ng mall o tiangge ay nai-stress siya dahil posib­leng walang listahan at nag-iisip kung sino pa ang hindi nabibilhan. Kaya naman, iwasan ang stress and make some shopping.

2. Maghanap ng sulit at murang items
Hindi naman masama kung mumurahin ang maireregalo basta naman nasa puso at maayos naman ang mga nabiling cheap item. May kasabihan nga tayo na Christmas is giving and sharing.

3. Click & Collect
Kung wala naman talagang time ay mag-click and collect services mula sa online deliveries. Basta tiwala ka lang sa store mo.

4. Local collection
Kung nais mo naman ng imported na klase ngunit kulang sa budget. Mainam na maghanap na lamang ng mga local collection. Mura na at swak pa sa taste mo.

5. Bring bags on shopping
Magdala ng malalaking bags upang hindi mahirapan sa pagbitbit ng sari-saring plastic bags o paper bags mula sa iba’t ibang stores na naiikot.

6. Loyalty points
Karamihan ng mga mall ay may loyalty points tulad sa SM na may advantage card. May gamit din po ang mga card na ito para sa susunod na pamimili.

7. SALE! SALE!
Maraming SALE ngayong panahon ng Kapaskuhan. Mabuting puntahan at mamili doon kung nais na makatipid at marami ka pang choices.

8. Ingat sa mandurukot!
Iba na po ang panahon ngayon kaya naman iba­yong pag-iingat ang hatid namin para sa inyo. Tandaan na kahit nakaporma o disente pa ang suot, sila po ay nagpapanggap lamang pero mga snat­cher o mandurukot sila. Basta ingat na lamang sa pamimili. Happy Christmas shopping! (Vick Aquino)