Abante Tonite Interactive

Christmas wish ng solon: EJK tuldukan na!

241

Walang ibang hi­ling si Senadora Leila de Lima ngayong ho­liday season kundi ang maihinto na ang karahasan at extra-judicial killings (EJKs).

“The best gift this government can give to the Filipinos is an end to cruel, inhuman, and degrading treatments of its people,” sabi ni De Lima.

Kasalukuyang nakapiit si De Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame dahil sa drug-related charges na isinampa sa kaniya noong ito pa ay naupo bilang Justice secretary.

Kasabay nito ay hinimok din ni De Lima ang gobyerno na iwasan na ang pag­lala ng casualties bagama’t mahigpit ang hangarin ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

“The government should work on preventing more casualties and base its campaign against illegal drugs on human rights and the rule of law,” sabi pa nito. (Anne Lorraine Gamo)