Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Christopher de Leon’, 2 kasabwat dinakma sa bentahan ng droga

0 1,406

Arestado sina ‘Christopher de Leon’ at dalawang kasamahan nito sa isinagawang buy-bust kahapon ng hatinggabi sa Purok 9, Brgy. Kapitan Pepe, Cabanatuan City.

Batay sa ulat ni PLt. Colonel Barnard Danie Dasugo, city police chief, nakilala ang mga naaresto na sina Christopher Dizon de Leon, 40, welder, residente ng Purok 1, Brgy. San Isidro; Allan Zapatero Riparip, 46, construction worker; at Roy Baldevisio Bernadas, 52, barangay tanod/tricycle driver, kapwa residente ng Purok 1, Brgy. Kalikid Norte, pawang sa Cabanatuan City.

Lumitaw sa imbestigasyon ni PCpl. Christian Sangabol, na dakong alas-12:20 ng hatinggabi, nang ilatag ang illegal drug buy-bust kontra sa tatlong salarin ng mga operatiba ng city police.

Isang police poseur buyer ang nakaiskor ng isang sachet ng shabu sa salaring kapangalan ng artista.

Inaresto rin ang dalawang kasama ni De Leon at nakarekober ng 2 iba pang sachet ng shabu mula sa mga ito.

Kaukulang kaso ng paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Rep. Act 9165 ang ihinain kontra sa 3 naaresto. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.