Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chua hanap pa 2 ng import

0 443

Inatasan na rin ni San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua sina coaches Leovino Austria ng San Miguel Beer at Ercito Victolero ng Magnolia Pambansang Manok na maghanap ng import para sa reinforced Philippine Basketball Association Governors’ Cup.

Kasabay ito nang pagtango na nitong Sabado ni Justin Brownlee na muling magbalik sa binigyan na niya ng apat na titulo na Barangay Ginebra San Miguel kung saan si Chua rin ang governor at team manager.

Ang Govs Cup ang plano ng ligang idaos din kasama ng Philippine Cup para sa 46th season sa taong ito. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.