Abante Tonite Interactive

Chua hari sa Pacquiao cuefest

291

Kinalos ni Johann Chua si Roland Garcia, 10-7, para makopo ang men’s individual title ng Manny Pacquiao Valentines 10-ball Open Championship sa SM sa Bacolod City noong Linggo.

Umungos agad si Chua ng 3-0 pero nakadikit si Garcia matapos tumumbok ng dalawang sunod na panalo.

Hindi nga lang nagpabaya ang two-time Japan Champion na sumargong muli ng tatlong sunod na panalo upang ilayo muli ang iskor sa 6-2 at tumuloy na sa pagkopo ng korona.

Bago ang race-to-10 finals, nakaungos muna si Chua kay Patrick Gonzales, 9-8, sa semis habang anga­t naman si Garcia kay Jhek Alonsagay, 9-4, sa isa pang final four marquee matchups. (Elech Dawa)