Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chua kay Abueva: Umayos ka lang!

0 432

Ngayong nasa kamay na ng San Miguel Corporation team si Calvin Abueva, mismong si SMC sports director Alfrancis Chua ang nag-welcome at yumakap sa kanyang pagdating.

Pagkatapak ni ‘The Beast’ sa Magnolia Pambansang Manok, ura-urada siyang pinaalalahanan ni Chua na umayos para gumanda ang buhay sa ikatlo niyang team sa parating na pangsiyam niyang taon sa Philippine Basketball Association.

“Sabi ko, ‘Bata, iayos mo buhay mo.’ Dito gaganda buhay mo. Nasa sa ’yo ‘yan. Ikaw ang gaganito, ikaw ang susulat, ikaw lahat,” litanyani Chua ukol sa 33-anyos, 6-3 ang taas na forward buhat sa Angeles City sa `The Chasedown’ nitong Sabado.

SM food to go Banner Ad

Giniit pa niyang hindi uubrang may umangas sa otshots dahil sa pinanghahawakang sistema kaya kailangan ding sumunod at makiisa ni Abueva, lalo na kay coach Ercito ‘Chito’ Victorolero, at sa mga teammate.

“Pagdating mo sa Magnolia, may sistema na ‘yan. Kahit sino hindi sila makikisama sa’yo. Back to zero ka rito. Ikaw ang makikisama sa kanila,” punto pa ni Chua na siya ring governor at team manager ng Barangay Ginnebra San Miguel.

Ang isa pang team ng SMC sa ligang planong magplanong magbukas ng 2021 Philippine Cup sa June ay ang San Miguel Beer. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.