Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chua maangas ang rebelasyon sa Clark

0 52

Smart Clark Giga City – Isa sa pinakamaangas na rebelasyon sa Pampanga bubble ng PBA Philippine Cup si Justin Chua.

Sa mga numerong pinakita pagkatapos ng 11-game eliminations, pang-Most Improved Player ang kalibre ng Phoenix Super LPG big man.

Malaki ang itinalon kumpara sa dati niyang performance.

Nag-average si Chua ng 13.18 points sa eliminations, mas mataas kumpara sa 8.9-point outing niya sa buong 2019 season.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinakamalaking improvement ang 3-point shooting ng 6-foot-7 center. Mula sa 23.1 percent clip noong isang taon, halos dobleng 42.32 percent si Chua ngayon.

Gumanda rin ang kalawit niya ng rebounds, mula 4.4 rpg ay tumalon sa 6.82 caroms per outing.

League-leader pa siya sa blocks department sa 1.73 swats per game.

Simple lang aniya ang advice ni Topex Robinson sa dating Ateneo second-string center.

“Whether it’s your defense or your three-point shooting, make yourself valuable. ‘Yun ang importante sa kanya and he embraced it,” anang Fuelmasters coach. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.