Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chua: PBA balak simulan sa Hunyo

0 283

INIHAYAG ni Barangay Ginebra San Miguel team governor Alfrancis Chua na sa Hunyo ang tinatarget nilang petsa para sa pagsisimula ng PBA 46th season.

Tiwala si Chua na matapos payagan ng Inter-Agency Task Force na muling mag-ensayo ang mga PBA team ay magagawa nilang simulan ang season sa Hunyo 15.

Kung makakapagsimula ang season sa nasabing petsa, inaasahan na magagawang idaos ang dalawang kumperensiya.

Gayunpaman, sinabi ni Chua na nakasalalay sa tagumpay ng magiging ensayo ng bawat koponan ang pagsisimula ng season.

“Bawat teams sa PBA, alam nila kung gaano kahirap kung paano kami nabuksan para maumpisahan ‘yung practice na 5-on-5. Hindi naman namin gusto na ensayo lang. Kung ensayo lang gusto namin, okay lang practice kami nang practice. Siyempre gusto namin makapaglaro. We have to prove to them na nag-eensayo kami, walang nahawa, wala lahat, para mapayagan na tayo,” ani Chua sa report unang lumabas sa Spin.ph.

“Huwag sila maging kampante. Dapat lalo kaming maging strict. If we want to stay and play the game, kailangan talaga sundin natin ‘yung tama. Ituring nila ang liga na ‘to na pamilya nila. Ituring nila na tayo nabigyan ng tsansa, wag na natin pakawalan,” dagdag pa niya. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.