Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chubby puwede na ma-promote sa PNP

0 103

Sinuspinde ng Philippine National Police (PNP) ang requirement na kailangan ay payat kapag gustong ma-promote sa posisyon.

Sinabi ni personnel head Major General Rolando Hinanay na hiniling nila kay PNP Chief Guillermo Eleazar na alisin na muna ito na pinagbigyan naman.

Idinahilan niya rin na dahil sa Covid-19 restrictions nahirapan ang mga pulis na mag-work out at magbawas ng timbang.

“As a result, many personnel were disqualified for promotion,” sinabi ni Hinanay.

Ang malalaking tiyan ay isang mabigat na problema sa mga pulis dati.

Nagpatupad noon ang dating PNP chief na si Debold Sinas para sa 220,000 na miyembro ng PNP na magpasailalim sa buwanang body mass index (BMI) readings.

Ang mga officer na gustong ma-promote ay dapat na marating ang BMI target.

Ang BMI dapat ng pulis ay nasa pagitan ng 18.5 at 27, depende na sa edad. Ang BMI sa pagitan ng 18.5 at 24.9 ay sinasabing ‘healthy weight’. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.