Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chukyo golfest 1st round kinansela

0 193

Naudlot ang salang ni Yuka Saso sa 12th Japan Ladies Professional Golf Association Tour 2020-21 27th leg, ¥70M (P30.8M) 39th Chukyo TV Bridgestone Ladies Open dahil hindi mapaglaruan ang Chukyo Golf Club Ishino Course sa Toyota City, Aichi Prefecture sanhi nang walang puknat na ulan Biyernes.

Related Posts

Kaya nauwi na lang sa 36-hole stroke play ang event na may ¥12.6M (P5.5M) sa winning shotmaker at isa ring basehan sa mga papalo sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo sa parating na July nang maatrasado lang ng pandemya.

Umaasa ang organizers na bubuti ang playing field para mailatag ang nauwing two-round, two-day golfest na lang. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.