Abante Tonite Interactive

Church wedding nina Kean-Chynna unique

By
21

AFTER one year of being marriage in civil, muling ikinasal sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

Sa pagkakataong ito, on their first wedding anniversary, November 7 ay muling pinakasalan ni Kean si Chynna sa simbahan.

Bago pa man sila ikinasal noong isang taon, mismong si Kean ang may gusto at nangakong magkakaroon pa rin sila ng church wedding na tinupad nga niya kahapon sa Parish of the Hearts of Jesus and Mary.

Apat na pares ng ninong at ninang lamang ang napili nina Kean at Chynna kabilang ang GMAAC Senior Assistant Vice President for Alternative Production na si Ms. Gigi Santiago.

Kabilang naman sa mga bridesmaids at groomsmen ang mga ka-grupo ni Kean sa Callalily band at sina Glaiza de Castro, LJ Reyes at Ryza Cenon. Sa secon­dary sponsor naman ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli.

Siyempre, flower girl ang kanilang unica hija na si Stellar.

It’s a unique wedding for Kean and Chynna that totally reflects their personality. May pagka-gothic inspired ang theme ng wedding.

Instead of fresh flo­wers, mga dry leaves ang naka-spread sa aisle ng simbahan. Black callalily naman ang bouquet ni Chynna at berries and leaves naman ang bouquet ng entourage.

Instead of the typical white gown, Chynna wore an Edwin Tan’s creation na gray wedding gown.

Sa simbahan pa lang ay masaya na ang am­bience ng wedding with not more than 100 guests– family and close friends of Chynna and Kean.

Sa Pio’s Kitchen naman ang reception ng wedding.