Abante Tonite Interactive

Chynna kagulat-gulat ang wedding gown

By
20

SOBRANG hands-on ni Chynna Ortaleza sa kasal nila ng mister na si Kean Cipriano. Actually, isa kami sa nae-excite na sa wedding nila sa November 7 na isa sa simbahan sa Quezon City ang pagdarausan.

Gayundin ang reception place na pinili nila ay hindi typical na wedding venue for a reception, pero pinilit talag­a nina Chynna at Kean to stick to their plan na maging simple at intimate lang ang kanilang church wedding.

❤️ #tildeathwedoart

A post shared by Chynna Ortaleza Cipriano (@chynsortaleza) on

Mainly, family and very close friends lang daw talaga ang inimbitahan nila. Dahil kilala namin si Chynna, hind­i na kami nagugulat sa mga gusto nitong makita sa wedding niya.

­Hindi rin kami nagulat sa ­kulay ng wedding gown niya at kung paano, wala ito ­halos mga entourage.

Requirement lang daw talaga sa church wedding na merong ilang pares ng ninong at ninang kaya pumili sila ng dalawan­g pares lang na malapit talaga sa kanilang mag-asawa. Makikita mong hindi siya showbiz wedding o gustong magpabonggang kasal.

Siguradong matutuwa ang mga bisita nina Chynna at Kean na bibigyan nila ng kanilang wedding souvenir dahil labor of love pa rin nila ito at balita sa amin, pinagpupuyatan talagang gawin ni Chynna.

Marami na silang pre-nup photo courtesy of Nice Print na ibinabahagi naman sa kanilang social media account.

Cheska na-bash nang husto dahil sa paniniwala

HINDI lahat ng netizens ay nag-agree sa pinost ni Cheska Garcia-Kramer na illustration niya kung paano dinisenyo ng Diyos ang pamilya. Merong hindi nag-agree sa kaniya lalo na raw ngayong millennial na, outdated na raw ang paniniwala nito.

Christ, Husband (protect family, provide for family), Wife (children managers of home) ang order ng illustration niya.

Sa panahon daw kasi ngayon, hindi na dapat inaas­a lang sa mister ang pag-provide sa pamilya­. May nagtanong din dito kung paano at single mother­ naman.

Nagawa namang sumagot ni Cheska lalo na sa mga followers niya na nararamdaman niya sigurong gusto talagang matuto at naku-curious. Nag-reply rin kay Cheska ang ibang mga artista na sumang-ayon sa paniniwala niya.

Idinepensa naman ni Doug Kramer ang misis na naba-bash dahil lang sa pinost niya na. Ayon kay Doug, “We are not perfect family. But we strive every single day to make our relationship work as husband and wife, and especially­ our roles as father and mother to our 3 beautiful blessings. We need a guideline to make it work and what a better place to look at than in the bible.”

Sinabi rin niya na, “Here’s a little secret.  Cheska’s ultimate desire is not material, it is for a complete family. And a complete family that will last through life’s trial and testing.”

Sa post din ni Doug, ipinaliwanag niya na never raw niyang trinato ang misis na inferior sa kaniya.

Aniya, “In fact, I make her feel more important than myself. And I mean this in all aspects.

But this doesn’t mean to take away my leadership and stand to lead my family financially, emotionally, physically and spiritually.”

Ang pamilya Kramer ang isa sa well-loved Pinoy family na milyon ang mga followers at talagang bawat i-upload nilang video ay humahimig kaagad ng libo o milyong likes at views.

Kiko, Addy, Albie pabonggahan ng abs 

PRESS launching pa lang ng Bench Under the Star, ang ika-30 taong anibersaryo ng isa sa leading local clothing brand sa bansa at masasabing home para sa karamihang sikat at promising actors and actress, ay bongga na ang pasabog.

So, how much more pa kaya sa November 18 sa MOA Arena kung saan gaganapin ang every two years ay inaabangang underwear fashion show nila.

Kung saan, privilege at honor para sa karamihang artista ang makasamang rumampa rito eithe­r naka-topless lang sa lalak­i o kayan­g magpaka-daring na naka-Bench brief at sa mga babae naman na naka-panty at bra.

Pinangunahan na ni Maxine Medina ang pagrampa na naka-bra at open blazer ang press launch. Gayundin ang dalawa pang Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Kim Domingo.

Sa Kapamilya stars naman ay sina Bianca King at Beaut­y ­Gonzales na kumpara sa tatlon­g Kapuso, balot ang mga ito. So, posible kayang sa mismong event ay all-out na sila?

Pabonggahan naman ng abs sa mga male celebrities tulad nina Addy Raj, David Licauco, Albie Casino, Bruno Gabriel at Kiko Estrada.

Inaasahan naman na sa ­mismong event sa MOA Arena­, makikitang rarampa ang mga old timer na rampadora ng Bench. Lalo na nga at malaking event ito dahil ikatlong dekada na ang ipinagdiriwang.