Abante Tonite Interactive

CHYNNA AT KEAN, HINDI MASYADONG NAGSE-SEX

By
Chynna Ortaleza
153
Chynna Ortaleza
Chynna Ortaleza

UNANG teleserye ni Chynna Ortaleza ang Mulawin vs. Ravena matapos siyang mabuntis at manganak.

Mga 2 years din siyang nagpahinga at inalagaan ang anak nila ng husband niyang si Kean Cipriano na si Stellar.

Kuwento ni Chynna, dumating sa point na umiiyak na siya sa depression at gusto na niyang umarte ulit.

Kaya sinabi niya sa GMA na kaya na niyang iwan ang anak niya sa mom ni Kean at magtrabaho ulit.

Ngayong isa na siyang ina ay napagtanto ni Chynna na mahirap pala ang maging magulang.

Kaya ang dayalog niya sa amin ay wala na siyang balak magkaanak ulit.

Tinatantiya niya kasi ang sarili niya. 34-anyos na siya, so konting habol lang kay Baby Stellar ay hinihingal na siya.

Ngayon niya na-realize ‘yung sinasabi ng marami na mas ideal magkaanak na ang edad ay 25-anyos.

Masaya ang married life kahit pareho sila ni Kean na nagtatrabaho, tapos ay may baby sila, so binabalanse nila lahat.

Masarap bang asawa si Kean?

“Oo, masarap ‘yon,” kaswal na sagot sa amin ni Chynna.

Anong pinakamasarap kay Kean?

“Boses niya.”

Ano pa?

“‘Yung chest hair niya.”

Ano pa?

“Sige pa, lahat na lang imadyinin mo. Ha! Ha! Ha!”

Ani Chynna, wala silang masyadong alone time ni Kean dahil naka-focus sila lagi kay Baby Stellar.

Kaya ang hirit niya sa amin, “Hindi kami masyadong nakakapag-sex.”

Ganern?!

Pero rockstar din ba si Kean pati sa kama?

“Rockstar talaga si Kean!” pakli ni Chynna, na parang naiilang sumagot sa naughty questions namin dahil may asawa’t anak na siya.

Si Chynna si Reyna Rashana, ang asawa ni Gabriel (Dennis Trillo) na bagong hari ng tribo ng mga Ravena sa Mulawin vs. Ravena na magsisimula na sa Lunes (Mayo 22) sa GMA Telebabad.