Abante Tonite Interactive

Chynna, Sunshine, Angelu nag-dub ng K-drama

0 356

Ang JTBC drama na “Sky Castle” ay may malaking posibilidad na mai-remake raw ng US. Ang mismong writer ng serye na si Yoo Hyun Mi ang nagbalita nito sa ginanap na Asia Drama Conference noong September 5.

Ibinalita niya na ang Warner Bros. ay moving forward na for the US remake of the show.

Ayon pa sa writer, “Excessive private education isn’t just an issue in Korea. While I was writing ‘SKY Castle,’ I thought that the story could be relatable in Asian countries such as Japan, China, Singapore, and India, as well as America and Europe.”

Ang “Sky Castle” ay isa sa maituturing na surprise hit ng taong ito. Although, nag-start na umere ang drama noong mga huling buwan ng 2018 pero tumagal hanggang 2019.

Isa rin ito sa award-winning drama bukod pa sa breaking ratings record at talagang pinag-usapan sa South Korea on its entire run.

May mga comment naman ang netizens na parang pinagdududahan kung magki-click ang ganitong tema ng drama sa America dahil mas “chill” lang daw ang mga Americans in-terms of education as compared sa ilang Asian countries.

Sa isang banda, ang “Sky Castle” ang isa sa 2019 drama na maayos at maganda ang pagkakagawa. Sa Pilipinas, ang nakabili ng rights nito ay ang GMA-7.

In fact, pina-plug na ito dati na “soon” on GMA. Inakala pa nga namin na ito ang isasalang nang hindi na matuloy ang “Rosang Agimat” na pantapat sana sa “Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Ang “Sky Castle” ay mga Kapuso star din ang nag-dub tulad nina Chynna Ortaleza, Sunshine Dizon at Angelu de Leon.