Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ciara pinaalala sakripisyo ni Lacson

0 56

NI: Roldan Castro

Kung malasakit nga naman sa tao ang pag-uusapan, tiyak na may resibo sina Presidential candidate Ping Lacson at VP bet niyang si Tito Sotto, batay na rin sa paalala ng aktres na si Ciara Sotto.

Nagpasalamat kasi si Ciara sa magandang Instagram post ng kapwa niya singer-actress na si Marissa Sanchez, tungkol sa kung bakit sina Lacson at Sotto ang dapat na iboto sa darating na eleksiyon.

Kabilang sa ipinunto ni Marissa ang mga banta ng “gulo” kapag natalo ang ilang kandidato. Kaya tanong niya, papaano kung sina Lacson at Sotto ang piliin ng mga tao: “Tingin nyo pag si Sen. Lacson and SP Sotto ang manalo? Palagay nyo magkakagulo pa rin? Tingin nyo lang?

Matatandaan na si Sotto lang ang unang sinusuportahan ni Marissa pero bigla siyang nagpasya na suportahan na rin si Lacson dahil sa malinis nitong record sa paglaban sa korapsiyon.

Kaya nagkomento si Ciara sa post ni Marissa at sinabing sina Lacson at Sotto ang higit na karapat-dapat na iboto dahil handa silang magsakripisyo para sa mga tao. Gaya ng ginawa ng dalawa noong panahon ng lockdown at patuloy na nagtrabaho para maipasa ang batas na Bayanihan 1 at Bayanihan 2.

“The ones who deserve our votes are the ones who sacrificed their lives and was brave enough to go to work in the senate physically (not hiding behind a computer Kahit seniors sila),” ani Ciara.

“Even during the strictest lock down cos of covid, just to be able to pass Bayanihan 1 and 2, to help our kabababayans. Eto Ang mga pang-giyera. Silang dalawa yung karapatdapat,” giit niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.