Abante Tonite Interactive

CIDG at DOJ imbestigahan ng Malacañang

By
396

Dapat ay imbestigahan ang mga prose­cutor ng Department of Justice (DOJ) na siyang nag-absuwelto sa mga hinihinalang drug lord na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pang perso­nalidad na umano’y sangkot sa illegal drugs.

Hindi dapat palampasin ang aksyong ito ng mga prosecutor ng DOJ dahil isang mala­king dagok ito sa kampanya ni Pangulong Duterte sa illegal drugs sa bansa.

Hindi dapat na mismong si Justice Secretary Vitaliano Aguirre­ ang mag-imbestiga kundi ang third party o ang Malacañang na ang tutukoy sa nagsisiyasat dito.

Abante Hiring – IT dep

Sa ganitong paraan ay makatitiyak na walang sisinuhin ang imbestigasyon at maaaring silipin kung umabot ito mismo hanggang sa lebel ng kalihim ng DOJ.

Kahit sino naman na hindi abogado at kahit hindi nakapag-aral ay magtataka kung bakit naabsuwelto sa kaso tulad ni Kerwin Espinosa na umamin na drug deale­r under oath sa Senate.

Kadalasan sa mga nakaraang kaso sa iligal na droga ay may sangkot na suhulan at dapat nalaman kung ganito rin ang nangyari sa kasong ito.

Idinepensa ni Sec. Aguirre ang kanyang mga prosecutor dahil ito ang isinumiteng ebidensiya umano ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung kaya’t ito lang ang na­ging basehan ng mga prosecutor ng DOJ na naging dahilan upang maabsuwelto ang mga hinihinalang drug lord.

Dahil dito ay maka­kabuting paimbestigahan din ng Malacañang ang PNP-CIDG upang malaman ang dahilan bakit mahina ang ebidensiyang isi­numite nito sa DOJ.

Batay na rin sa mga nakaraang kaso ay napapaulat na sinasad­ya umano ng ilang tiwaling pulis na huwag magsumite ng matitibay na ebidensiya upang madismis ang kaso.

Pangalawang eskandalo na ang kinakaharap ng DOJ at ang una ay ang pagkakawala ng isang libong piso o sadyang binawasan upang hindi pumasok sa kasong plunder ang mga tauhan ni Sec. Aguirre na opisyal ng Bureau of Immigration na isinasangkot sa suhulan sa kampo ng gamb­ling operator na si Jack Lam.

Abangan kung agad kikilos ang Malacañang sa nasabing kaso o hahayaang lumamig ang kaso at matabunan na naman ng ibang kontrobersiya sa gobyerno.