Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CIDG pasok sa kaso ni chief sa Jolo rubout

0 211

Paiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pamamaslang kay Police Lt. Col. Walter Annayo, na dating hepe ng Jolo Municipal Police Station (MPS) sa Sultan Mastura sa bayan ng Maguindanao.

“Sa ngayon ongoing pa yung investigation ng PRO BAR.. we have already requested the CIDG to assist mag investigate doon. As of now yung cadaver ni Annayo ay inuwi na sa bahay nila so we are monitoring it kasi ang transfer ng eroplano tinulungan po siya ng LGU ng Sulu,” pahayag ni Sinas sa isinagawang press briefing kahapon.

Itinanggi din ni Sinas na may kinalaman ang pagpatay ni Annayo sa dati niyang assignment kung saan napatay ng kanyang mga tauhan ang apat na sundalo na nagsasagawa ng intelligence operation sa mga terorista sa Jolo noong Hulyo 29, 2020.

Dagdag pa ni Sinas ang siyam na sangkot na pulis na nakapatay sa apat na sundalo ay nasa restrictive custody na sa Camp Crame. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.