Abante Tonite Interactive

Cindy Imbo pabibo, Lady Altas matikas

STANDINGS W L *AU 7 0 SBU 6 1 CSB 5 1 UPHSD 4 2 SSC-R 4 2 JRU 4 3 LPU 2 5 MU 1 6 CSJL 1 6 EAC 0 8 *-semifinalist Mga laro ngayon: (Filoil Flying V Centre) 12:00 n. t. - CSB vs JRU (Women) 2:00 n. h. - SSC-R vs SBU (Women)

268

Pinamunuan ni Cindy Imbo ang atake ng Perpe­tual Help Lady Altas upang paluhurin ang Mapua Lady Cardinals, 25-22, 25-17, 25-15 kahapon sa 94th NCAA 94 women’s volleyball tournament elims sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kumayod si Imbo ng 12 points, 11 ang galing sa spikes kasama ang 16 digs para sa Lady Altas na sumampang muli sa magic four ng team standings.

Tumikada rin si Hannah Suico ng 11 puntos upang tulungan ang Perpetual Help na ilista ang 4-2 karta at sumalo sa fourth place kasama ang San Sebastian Lady Stags.

Tumulong din si Jowie Albert Versoza ng walong puntos at dalawang excellent receptions para sa Las Piñas-based squad na kailangan pa rin nilang ipanalo ang tatlong natitirang laro upang makakuha ng isa sa tatlong natitirang ticket para sa semifinals.

Pangalawang sunod na panalo ng Lady Altas matapos nilang talbusin ang Letran Lady Knights sa nakaraang buwan bago ang holiday break.

Sa men’s section, nakalusot ang Arellano Chiefs kontra EAC Ge­nerals, 25-13, 25-18, 27-29, 16-25, 16-14, upang masolo ang No. 2 spot tangan ang 6-1 card.

Humataw si Christian dela Paz ng 16 pts. habang tumipa sina Kim Vincent Tan at Jesrael Liberato ng tig-14 at 13 hits ayon sa pagkakasunod para sa Arellano.

Sinorpresa naman ng EAC ang AU, 25-14, 25-20, 25-19 sa junior’s division upang itarak ang 3-5 record.