Abante Tonite Interactive

Cindy keber iligwak ng Bb. ‘Pinas sa paghuhubad

729

Biggest break ng Bb. Pilipinas Tourism 2013 na si Cindy Miranda ang kanyang lead role sa pelikulang “Adan” na idinirehe ni Roman Perez, Jr.

Lesbian ang role niya sa nasabing erotic mystery thriller na isinulat ng acclaimed international director na si Yam Laranas.

Marami silang love at sex scenes ng co-star niyang si Rhen Escaño pero ayon sa kanya, ginawa niya ito dahil kailangan sa iskrip at para mabigyan niya ng hustisya ang role ni Marian.

Sey pa niya, first time rin daw niya ito na maka-kiss ng isang babae maliban sa kanyang ina pero hindi siya nag-alangan na gawin ang mga ito dahil nanaig sa kanya ang pagiging artista.

Hirit pa niya, aware raw siya na hindi magugustuhan ng Binibining Pilipinas ang kanyang mga daring scenes sa kontrobersyal na pelikula.

Aniya, hindi rin daw niya ipinaalam sa organizers ng BPCI ang desisyon niyang sumabak sa pagpapapaseksi. Hindi umano siya nagpasintabi sa gagawing mapangahas at nag-aalab na mga eksena sa nabanggit na obra ni Perez kung saan meron silang nude scenes.

Keber din siya kung matulad ang kapalaran niya kay Maria Isabel Lopez na na-dethrone pagkatapos na magpaseksi dahil umano sa immorality clause sa kanyang kontrata.

“Noong nag-decide kasi akong pumasok sa pag-aartista, gusto ko na maging magaling. Ayokong isipin na beauty queen ako dahil gusto kong mas matandaan ng mga tao ‘yung karakter ko sa mga pelikulang ginagawa ko,” aniya.

“Hindi nila maaalala kung sino si Cindy Miranda in real life at ‘yung Cindy Miranda na Bb. Pilipinas, kundi ‘yung karakter ko as Marian,” dugtong niya.

Papel ni Marian na kababata ni Ellen (Rhen) na kumupkop sa dalaga nang masangkot ito sa misteryosong pagkamatay ng kanyang ama ang role ni Cindy sa “Adan” na palabas na sa buong bansa simula sa Nobyembre 20 mula sa produksyon ng Viva Films, Aliud Entertainment at ImaginePerSecond. (Archie Liao)