Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cindy tinawag na ‘pokpok’

0 154

NI: ROLDAN CASTRO

Bagamat dumaan sa intriga si Cindy Miranda sa pakikipagtambal kay Aljur Abrenica, nasuklian ito ng ngiti. Pahiya ang mga nambabastos sa kanya sa social media at nanghusga ng pokpok, malandi, kabit, boba kahit wala silang basehan.

Litanya nga niya,” Parang lahat ng masama, naibigay sa akin. Pokpok, kabit, bobo. Pati nga po bobo, hindi ko po naintindihan(bakit nasabing bobo ako).Alam mo yung masyadong sinukat yung pagkatao mo na hindi ka nila kinilala? Masakit lang kahit ayaw mong maapektuhan.”

Pero,hindi nakaapekto ito para hindi tangkilikin ang kanyang title role na pelikulang “Nerisa.” Nu’ng first day nito ay nag-number one pa sa Vivamax.

Caption niya: “MARAMING SALAMAT PO. 🤍
“For not just making us #1 on our opening day but for helping us hit a RECORD-BREAKING milestone. #Nerisa is now certified one of the biggest openings on Vivamax! 🙌🏼 And we can’t thank you enough for subscribing and sa lahat ng nagpuyat dahil sa technical problem, we really appreciate your patience. Salamat salamat! Masayang masaya po kami.”

Isa pa niyang post ay may caption na “Samahan niyo po si #Nerisa sa kwento ng kanyang pag-ibig, pakikipaglaban at paglaya.

Isang obra ni @rickyleeph at sa direkyson ni @lawfajardo

Maraming salamat po sa umaapaw ninyong suporta, sana makapanood po kayong lahat ng Nerisa. 🤍

Stream it now on Vivamax, Viva on Demand, KTX.ph, IWantfc, TFC IPTV.

Vivamax is available in Philippines, Middle East, Europe, Hongkong, Malaysia, Singapore and Japan”.

Leave A Reply

Your email address will not be published.