Abante Tonite Interactive

Cinemalaya mas maingay sa Pista ng Pelikulang Pilipino Glaiza wagi sa takilya

By
545

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioNgayong Linggo, magkakaalaman na kung ano sa mga pelikulang kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino film festival ang kasalukuyang nasa mga sinehan.

Hindi makakaila, na kahit pa nga na mismong sa FDCP pa nanggaling ang mga pananalita na maganda ang takbo ng PPP ngayon, hindi puwedeng itanggi na ang pagyakap at pagsuporta nila, tila may kahinaan.

Parang apat na pelikula lang ang pinapanood at kung pagbabasehan ang mga unofficial grosses na ibabalandra, hindi naman ito ganun ka-impressive.

Kaya, mahalagang alamin at pag-aralan, ano nga ba ang dahilan kung bakit ito ang nangyari sa PPP at sa mga pelikulang kalahok dito?

Is this a case of festival fatigue? Matagumpay at mai­ngay talaga ang Cinemalaya. Mas madami ang mga taong sumugod sa CCP at sa mga sinehang pinapalabas ang mga pelikulang kasali rito, lalo na yung sa Makati. Biggest box-office drawers ang ML ni Eddie Garcia at Liway ni Glaiza de Castro. At well accepted ang mga naging winners.

Magkasunod na magkasunod ang dalawang festival kaya hindi maiwasang isipin na may pagkapagod na nararamdaman ang mga manood.

Ang presyo ng ticket para sa PPP ay mahal.­ Depende kung nasaan ang inyong lugar, mula P180 hanggang P270 ang presyuhan. Kung ikukumpara sa Cinemalaya, P150 lamang ang presyo ng mga ticket nito.

Kung mababa ba ang presyuhan sa PPP, may garantiya rin naman ba na mas darami ang mga manonood?

Ayon sa obserbasyon ni Sir Nonoy Gallardo, “Ang Cinemalaya claro ang positioning: Festival of independent movies. Kaya claro ang expectation ng audience: Hindi pandering to popular taste. ‘Yung PPP ano?”

Ano nga ba ang dapat na imahe ng PPP? MMFF tuwing­ Agosto? Isang film festival na parang Cinemalaya copycat? O isang festival na dalawang taon pa lang kaya hindi­ pa alam kung ano ang gusto nilang maging imahe at branding?­

Ang isa pang tanong at obserbasyon ni Terence Ang sa Facebook, “Let’s be honest here. Kumita ba talaga ang PPP last year? Isn’t it true that more than half of the gross ay galing sa 100 Tula? And that’s not because of PPP or their management, mas gusto lang talaga ng madla ang mga “romantic” films. Hindi rin natin masisi ang organizers nila kasi I’m sure mahirap talaga makipagusap sa mga sinehan para magpalabas ng ganito-ganyan na pelikula kung magsasayang lang sila ng kuryente. Hindi rin natin pwede icompare ang PPP sa Cinemalaya, Q at C1, kasi iba ‘yung reach nila.”

Ang PPP, ano nga ba ang reach? Sa dalawang taon ba, sapat na para malaman natin na it has carved a niche or it is no way near in carving its own dahil two years is still such a long time?

Magkasunod rin halos ang Cinema One at QCinema Film Fests, nakakanerbiyos bang pangitain ang nangyari sa PPP at Cinemalaya?

Ang diva that you love, may pananalig na dapat ngang pag-aralan ng mga namumuno sa FDCP kung makatwiran ang kanilang desisyon na isunod sa Cinemalaya.

Dapat din nilang palakasin pa ang kanilang mga kala­kasan, i-highlight at ipakalat sa all forms of media ang mga dahilan kung bakit kapuri-puri ang mga pelikulang kalahok sa PPP.

Pag-igtingin at palawigin pa ang word of mouth at organic praises para mas maengganyo ang manood.
Lahat ng mga kasaling pelikula, may ispesyal na inilalako – dakilang pagmamahal, romansa, pagmamahal sa pamilya at kaibigan at mga katotohanan sa buhay.

Patuloy nating tangkilikin ang pelikulang Pilipino kasi tungkol sa atin ang mga ito, para sa atin ang mga ito.