Abante Tonite Interactive

CITIRA sunod na mahalaga sa Konstitusyon

268

Itinuturing na pa­ngalawa sa 1987 Kons­titusyon ang kahalaga­han ng panukalang Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA) na ipinasa ng Kamara dahil sa mga positibong epek­tong iiwanan nito sa lahat ng sektor ng pambansang ekonomiya.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, House ways and means committee chair at isa sa mga pangunahing may-akda nito, ang CITIRA (HB 4157) ay pangalawa sa Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ng administrasyong Duterte.

Itinalaga ng Pangulo ang CITIRA bilang pangunahing tugon ng Pilipinas sa US-China trade war.

“Isinasaayos nito ang istrakturang pang-ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagbaba sa buwis sa kita ng isang milyong small and medium enterpri­ses (SMEs) na siyang nagbibigay trabaho sa karamihan ng mga manggagawang Pinoy habang isinasaayos nito ang mga insentibo ng mga 3,100 malalaking korporasyon na mapilitang ilagay sa ayos ang kanilang operasyon,” paliwanag ni Salceda.

Sa kabuuan, tinatayang ang CITIRA ay lilikha ng 1.566 mil­yong makabuluhang mga trabaho at dadagdag ng 1.1% sa paglago ng gross domestic product (GDP) sa unang taon at taunang 3.6% mula 2020 hanggang 2030, habang mababang 0.9% lamang ang ambag sa taunang inflation,” dagdag niya.