Abante Tonite
Mabilis sa Balita

City Garden may pa-promo sa staycation

0 118

Walang pakundangang nagpa-promo ang City Garden Grand Hotel para sa staycation sa Makati kahit pa isa itong quarantine facility.

Sa City Garden Grand Hotel nag-party ang PAL flight attendant na si Christine Dacera kasama ang mga barkadang beki nung bagong taon bago siya natagpuang wala nang pulso sa bath tub sa kwartong kanilang pina-book.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa official facebook page ng City Garden Grand Hotel sa Kalayaan St. sa Makati City, sinabi nitong isa itong “Certified and Accredited Hotel permitted to receive guests during the General Community Quarantine” sa post nung August 19, 2020. Sa naturang post, sinabi din nitong piling guests lamang ang tatanggapan nito. Ayon sa website ng hotel sa naturang post, mga guests na ang booking ay pang 14 araw lamang ang tatanggapin at mga piling guests lamang ang pwede tulad ng OFWs o foreign nationals, international travelers na kailangang mag self-quarantine at health workers.

Sinuspinde ng Department of Tourism (DOT) ang City Garden Grand Hotel ng 6-buwan dahil sa paglabag sa DOT Administrative Order No. 2020-002-C na nagbabawal sa mga hotel na nag-ooperate bilang quarantine facility na tumanggap ng guests para sa leisure. (Eileen Mencias/Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.