Abante Tonite Interactive

City hall employee, kabit nasundan ni misis sa motel

1,481

Nabitin ang sana’y pakikipagniig ng isang mister sa karelasyong babae makaraang masundan ng kanyang misis at nakitang pumasok sa motel sa Quezon City nitong Huwebes nang gabi.

Dahil dito ay kinasuhan ng concubinage at paglabag sa Republic Act 9262 Violence Against Women and Their Children (VAWC) sina Reygeil Libres Cruz, 25, may-asawa, Library staff ng Quezon City Hall at taga-Brgy.

Paligsahan, QC at Christine Bernadette Biteno, dalaga, technical staff procurement ng QC Hall at taga-Brgy. Ramon Magsaysay, QC.

Sila ay kinasuhan ng misis ni Reygeil na si Maryrose Telogo Cruz, 23, self-employed matapos mahuli sa room 514 Longhorn Apartelle sa 82 Mindanao Ave., Project 6, QC dakong alas-7:20 nang gabi.

Ayon sa misis, alas-kuwatro nang hapon, siya at ang kanyang ama ay nagtungo sa pinagtatrabahuhan ng mister sa QC hall matapos mag-text ang huli na male-late ng uwi sa bahay.

Dakong alas-5:12 ng hapon ay nakitang sumakay si Reygeil ng dyip patungong SM North EDSA at sa fast food chain ay nakita nilang kinatagpo nito si Biteno.

Pagdakay sumakay ng tricycle ang dalawa at pumasok sa nasabing apartelle.

Dito ay agad na humingi ng saklolo ang misis sa pulisya at sa barangay police at kinatok ng mga ito ang kuwarto kung saan nag-check in ang dalawa na kapwa inaresto.

(Dolly Cabreza)