Abante Tonite Interactive

City of Manila pangalawa uli sa Over-all Most Competitive Highly Urbanized City

By
515

Nanatiling nasa ikalawang puwesto ang Lungsod ng Maynila bilang Over-all Most Competitive Highly Urba­nized City sa bansa kung saan nakuha ng Quezon City ang unang puwesto.

Nabatid na ito ang naging resulta sa ebalwasyon ng National Competitiveness Council’s (NCC).

Sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na sa kabila na kinapos sila na makabalik sa unang puwesto, nagpapasalamat na rin siya sa mga city councilor at sa lahat ng city go­vernment employee sa maayos nilang trabaho.

Pipilitin umano nilang galingan sa susunod na taon para makabalik sa unang puwesto.

Nabatid na sinukat ang kakayahan ng isang siyudad sa pamamagitan ng economic dynamism, government efficiency, resiliency at infrastructure.
Nabatid na nasungkit naman ng Pasay City ang ikatlong puwesto.

Sinabi ni Estrada na sa kabila na nasisiya­han siya sa resulta, tiniyak niya na magsasagawa pa sila ng mga improvement para maibalik ang dating glorya ng Maynila.

“There are still many other challenges we face. Among them are the problems of garbage, traffic and illegal vendors,” ayon pa kay Estrada.

Binati naman ni Estrada ang Lugsod ng Quezon City, Davao City, Pasay City, San Juan City at iba pang mga nanalo.

Una nang nakuha ng Lungsod ng Maynila ang unang puwesto noong taong 2016, ikalawa noong 2017 at ikalawa muli ngayon taon.