Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Civil society may mahalagang papel sa eleksiyon

0 84

Ang paghihigpit sa paghahain ng kandidatura, pangangampanya, pati na ang bilang ng mga botanteng papayagang pumasok sa loob ng presinto para bumoto ay ilan lamang sa mga limitasyong ipatutupad ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang inilabas na panuntunan kaugnay sa “new normal” na pamamaraan sa gaganaping pambansang halalan sa susunod na taon.

Bunga ng inilatag na paghihigpit, itinutulak ng Comelec ang paglahok ng civil society organizations (CSOs) sa gaganaping pangangampanya sa halalan partikular sa mga lugar na kailangan ang kaalaman ng mga botante upang maipaabot agad ang mahalagang impormasyon na kailangan nilang malaman.

Ito ngayon ang isyung nais harapin ng House Committee on People’s Participation na pinamumunuan ni Rep. Florida “Rida” Robes sa isinagawang online forum na may titulong “Imagining the 2022 National Electios: The Many Ways the Covid-19 Pandemic Can Impact on the Electoral Process”.

Sinabi ni Robes na inorganisa niya ang pagtitipon upang itaas ang kamalayan kung paanong ang pandemyang dulot ng Covid -19 ay makapagpapabago sa paglahok ng publiko sa halalang 2022.

Pinapurihan naman ni House Speaker Lors Allan Velasco ang naturang forum dahil napapanahon ito upang timbangin ang panawagan ng publiko para sa malaya at demokratikong halalan at ang pangangailangang maging ligtas ang lahat sa panahon ng krisis.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang sa mga lumahok sa forum sina dating Commissioner Luie Tito Guia, Comelec Spokespeson James Jimenez at Malou Tuquia ng Publicus Asia Inc.

Sinabi ni Jimenez na dahil sa resulta ng pandemya, lilimitahan sa limang botante,mula sa dating 10 ang papayagang makapasok sa loob ng presinto para bumoto, maliban sa tatlong miyembro ng board of election at isang watcher.

Dahil dito, palalawigin ng Comelec ang oras ng botohan mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi sa Mayo 9, 2022.

“They will be allowed to cast their votes but they will be separated from the general population. This way they will be able to exercise their right of suffrage because obviously having Covid is not disqualifying and at the same time the rest of the voters will be kept safe,” dugtong pa ni Jimenez.

Hihigpitan din aniya ang mga campaign rallies, maramihang pagtitipon na may kaugnayan sa halalan, pati na sa canvassing, bilang hakbang sa pagpapatupad ng kaligtasang pangkalusugan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.