Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CJ, Mo kayod sa PBA, 3×3

0 292

Umaasa sina Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Moala ‘Mo’ Tautuaa na tuluyan nang papayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) sa susunod na linggo na makapagpraktis ang mga indibidwal na atleta at mga koponan dahil sa paghahabol nilang magqualify sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021.

Nakatuon ang dalawang Philippine Basketball Association (PBA) player – Perez ng Terrafirma Jeep – at – Tautuaa ng San Miguel Beer – sa dobleng responsibilid kapag pinabalik na ng Joint Administrative Order ng Department of Health (DOH), Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusements Board (GAB).

Magti-training sila sa kanilang mother club sa pro league at sa 3×3 national men’s team ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Sakaling ipatupad ang IATFJAO, inaasahang makakasama nina Perez at Tautuaa ang kapwa miyembro sa Gilas 3×3 squad na sina Alvin Pasaol at Joshua Munzon para sa pagpiprepara sa Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria sa Mayo 26-30, 2021.

Nakaantabay din naman ang10 pang miyembrong PBA team sa ilalabas na kautusan sa paghahanda naman sa pagpapatuloy ng 45th PBA Philippine Cup eliminations na nahinto noong Marso dahil sa COVID-19.

Magpapatuloy rin ng training sina Pasaol at Munzon para sa Pilipinas 3×3 Tournament.

Dapat sanang sumali ang world No. 20 Gilas 3×3 sa OQTnoong Marso 18-22 sa Bangalore, pero pinagpaliban din sanhi ng pendemiya. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.