Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CJ panatag sa pagtulog

0 307

MAG-E-EXPIRE na rin ang kontrata ni CJ Perez sa Terrafirma (dating Columbian) sa November 30.

Pero walang duda na hindi bibitawan ng Dyip ang Rookie of the Year ng nagdaang season.

Katunayan, makakatulog na nang mahimbing ang 48 iba pang players na may expiring contracts bago matapos ang season na tinigil ng coronavirus pandemic.

Nagkaisang inaprubahan ng PBA Board ang panukala ni commissioner Willie Marcial na bigyan ng extension ang mga mapapasuhan ng kontrata. Bago magsimula ang workout sa susunod na linggo, nakasiguro na ang mga ito na hindi maiiwan sa ere.

“Masaya ako para sa players,” wika ni Marcial. “Hindi na sila mag-aaalala sa kanilang security.”

Nasa team ang option kung sino sa players nila ang bibigyan ng contract extension.

“’Yung hindi bibigyan ng extension, automatic free agent,” paliwanag ni Marcial.

Balik-workout ang players, plano ng liga na ituloy ang napigil na 45th season sa September o October. Pero matuloy man o hindi ang season, susuweldo ang players hanggang Dec. 31.

Hindi pa nakukuha ng PBA ang listahan kung sino-sino ang bibigyan ng extension. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.