Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CJ Peralta kinondena brutal na pagtepok kay Pizarro

0 184

Kinondena ni Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta ang brutal na pagpaslang sa retiradong Court of Appeals Associate Justice Normandie Pizarro, na natagpuang patay noong Oktubre 25, 2020 sa isang bakanteng lote sa Tarlac.

“The killing and murder of any person is never tolerated by our laws. In fact, our court will always condemn it. I ask our law enforcement agencies to press on with their investigation so that the perpetrators of this barbaric act be caught and brought to justice,” ayon kay Peralta.

Kasabay nito, nagpaabot rin ng kanyang simpatiya at pakikiramay si Peralta sa mga naulila ni Pizarro.

Sinabi ni NBI Spokesman Atty. Ferdinand Lavin na patuloy na iniimbestigahan ang posibleng motibo sa pagpaslang kay Pizarro.

Nalaman na kabilang sa mga kontrobersiyal na kaso na hinawakan ni Pizzaro ay ang PDAF scam ni Janet Lim Napoles at ang kasong murder ni Palawan Governor Joel Reyes. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.