Abante Tonite Interactive

CJ sinaklolohan ni Coco

1,391

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Lumundag ang puso ko sa tuwa noong isang gabi matapos makita ang teaser clip ng FPJ’s Ang Probinsyano. Bakit kaniyo, kasi nga si CJ Ramos, isa na rin sa mga artistang kasama sa pangmalakasang prograna ni Coco Martin.

Kaya nga ang diva that you love, hindi na nagtataka pa bakit siksik, liglig at umaapaw ang mga biyaya ni Rodel Nacancieno. Kung inyong papansin, ang mga artistang nasa-finality the WHO category na, mga seasoned actors at actresses, pati mga baguhan, lahat sila, nagka-more chances of winning sa mundo ni Cardo Dalisay.

Ngayon, patuloy si Martin sa kanyang sowing the seeds of love at si Ramos naman ang pinaka-bago niyang ward.

Alam naman nating lahat ang drama sa totoong buhay ni CJ, sangkot ito sa isang buy-bust operation kamakailan at ilang araw ring napiit.

Nawa’y maging therapeutic para kay Ramos ang balik trabaho, pagpawisan, maging abala at magabayan, maipakita niya ang kanyang husay, at may sumunod pang mga trabaho.

Malaking funds ang kailangan ni CJ para sa kanyang rehabilitation.

Mahusay na child actor dati si Ramos at walang duda na with his life experiences, mas humusay ito sa pag-arte. Ang mga kagaya niya, dapat bigyang pagkaka­taon para makapagbago at maayos ang buhay.

Mabuhay ka, Coco Martin, sa pagtulong mo kay CJ Ramos. At kay Ramos, wag sayangin ang oportuni­dad na ito. Karirin mo na talaga ang iyong pagtahak sa tamang landas at buhay.

Kris tumalak sa hitad

Damn if you, damn if you don’t, ang mga salitang ito ang tila pwedeng mag-summarize sa katayuan ngayon ni Digital Empress Kris Aquino.

Ang diva that you love, nauunawaan kung bakit tumalak sa kanyang social media account matapos may isang hitad na nagsabing ang relief effort na isinagawa ni Aquino para sa mga nasalanta sa Marikina City ay isang major, major publicity stunt.

Ang banta ni Kris sa walang pribilehiyong magmaldita, “You may get your worst nightmare come to life.”

O, ‘di ba, palaban na palaban ang dating Queen of All Media. Ginitla niya rin ang katkatera at pinamukha rito na hindi posibleng pumasok siya sa arenang politikal at ang panalo niya rito, kung saka-sakali ay shoo-in na.

At bongga talaga ang closing hanash ni Kris: “Our family is used to battling and slaying giants. So it would serve your personal interests to let me be – because you don’t want to mess with a warrior at rest.”

Sa mga wala naman kasing karapatang magtaray at manghusga, tumahimik na lang. Kung may panahon kayo para magtaray, sa may panahon rin kayo para tumulong sa mga nangangailangan, Huwag ubusin ang panahon, ang balakang, huwag lang palaparin at kung maaari, mas pagmamahal ang isulat kesa galit ang ihasik.

Palakpakan na may kasamang sigawan para kay Kris Aquino. Dahil you gave the hitad a dose of her own medicine. Although, sa susunod, mas classy pa rin if you ignore the ignoramus.

BoybandPH walang hit song

Maglulundag ba tayo sa tuwa kung may nakakahilong pag-amin si Joao Constancio na “unofficially” ay sila ni Sue Ramirez?

Ano kaya ang mga dapat na sangkap para maging official na ang kanilang pagmamahalan? Makakatulong ba ang pag-aming ito sa neither here nor there na karera ni Joao bilang BoybandPh member?

Alam na alam naman natin na wala pa ring hit song ang all male group, hindi pa rin nila nababasa ang panty shields ng mga kababaihan, at sa sangkabekihan naman, parang kulang na kulang pa sa pump and grind come on ang grupo, ang mga pamhinta naman at boy bortam ni hindi magka-precum dahil sa kanila. Hahahaha.

Eh ang hiwalayan ni Super Tekla sa kanyang bisexual na gf, maiiyak ba ??tayo at maglulundag?

Hay naku, look na lang tayo sa sky o kaya mag-jack stone, mas kapaki-pakinabang pa ata ‘yun, noh.