Abante Tonite Interactive

CJ Sirana

By
1,207

“Bilisan at tapusin na agad.” Ito ang naging pana­wagan ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno kaugnay ng kinakaharap niyang impeachment case sa Kamara.

Pero mukhang ‘di niya ito makakamit. Mas matagal ang pro­seso, mas maraming kasiraan niya ang malalaman ng publiko.

Dito na papasok ang matinding panggigipit. Araw-araw, mapapanood at maririnig ang iba pang maseselang bagay tungkol sa iyo. Labis na masasaktan ka at miyembro ng iyong pamilya hanggang hindi mo na kayanin at bibigay ka rin – magbibitiw ka sa puwesto.

Para kang isang malamang buto na inaaba­ngan ng mga asong ulol.

Hindi mo pa ba nakukuha ang mensahe? Ayaw sa iyo ng Pangulo at ng kanyang mga kaalyado, period!

Malagpasan mo man ito. Sabihin na nating maabsuwelto ka sa mga paratang sa iyo, hubad ka na ring babalik sa Korte Suprema. Walang suporta mula sa mga kasamahan mong ma­histrado. Isa kang tuod.

Magsilbing aral sa iba pang indibidwal na nagsisilbi sa gobyerno na ang posisyon na ipinagkaloob sa inyo ay hindi habambuhay at ‘di dapat abusuhin.

Related Posts

Lord Kayo na po ang bahala.

BALITAWIT
PAALAM NA (Rachel Alejandro)
Nais ko lang malaman niyo
Laman ng aking sulat
Baka ‘di na mabigyan ng ibang pagkakataon
Na sabihin ito sa inyo
‘Di ko ito ginusto
Na mag-welness leave ako…

Ngunit ‘di magkasundo
Parang bata kung sila’y magtampo…ohh
REFRAIN:
Paalam na Aling Maria
Kay hirap sabihin
Paalam na Aling Maria
Masakit isipin na kahit nag-uusap na…

Puso’t isipa’y magkaiba
Maaring ‘di lang laan sa isa’t isa
Sana’y huwag niyong isipin
Na pag-leave ko’y ‘di tunay
Dahil sainyo lang nadama…

Pagkainis na walang kapantay
Ngunit masasaktan lang kung ‘di ko kayo mapagbibigyan…
Kahit pagbibitiw ay malaya sa aking isipan

Paalam na Aling Maria
Kay hirap sabihin
Paalam na Aling Maria
Masakit isipin na kahit nag-uusap na…
Puso’t isipa’y magkaiba

Maaring ‘di lang laan sa isa’t isa…
Darating sa buhay mo
Ang impeachment na laan sa’yo
At tatanggalin ka nila…
Mapagbigyan lang si Pangulo wohhhh
Paalam na Aling Maria
Kay hirap sabihin

Paalam na Aling Maria
Masakit isipin na kahit nag-uusap na…
Puso’t isipa’y magkaiba
Maaring ‘di lang laan sa isa’t isa