Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Claire sa ermat ni Christine: ‘Wag magdikdik ng tao

0 210

NI: VINIA VIVAR

Larawan ng isang inang nangangamba para sa kanyang anak ang dating singer na si Claire dela Fuente dahil sa pagkakadamay ng anak niyang si Gregorio de Guzman sa pagpatay at paghalay umano sa flight attendant na si Christine Dacera.

Itinanggi na ng kanyang anak ang bintang and admitted na gay siya at never daw niyang magagawang makipagtalik sa babae.

Sa panayam kay Claire kahapon sa DZMM Teleradyo ay nagbigay ng mensahe ang dating singer sa nagdadalamhati ring ina ni Christine na si Sharon Dacera.

SM food to go Banner Ad

Ani Claire ay nanay din siya at sobrang naiintindihan niya ang sakit na nararamdaman ni Sharon.

“Ang akin lang pakiusap, sana po igalang natin kung anuman po ang nakita na natin, nabasa na natin na katotohanan. Huwag naman po tayo magdikdik ng tao because na-inform lang natin sa mind natin na ‘hindi, totoo ito, may nang-rape sa anak ko.’ Huwag naman po,” ani Claire.

Sana raw ay huwag naman ipitin ang inosenteng tao para lang magkaroon ng solusyon ang kaso.

“I feel sorry, sobrang-sobrang sorry, my heart is breaking because nakita ko kung gaano kagandang babae si Christine, ang dami pang magiging magandang buhay niya in the future, maganda ang magiging anak niya, nawala lahat ang opportunity na ‘yun,” pahayag pa ni Claire.

Leave A Reply

Your email address will not be published.