Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Clairvoyant. Nasindak sa Flying Soul Reapers

0 316

Ni:Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo ngayong nasa pandemya pa rin tayo napapansin ng mga clairvoyant ang kaliwa’t kanang paglitaw ng mga soul reaper o kilala sa tawag na kamatayan.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo.”

Si Alfonso ng Taguig ay nasindak isang gabi nang may makita siyang lumilipad na itim na bagay sa labas ng kanyang salaming bintana

Misteryo: “Ano ba hitsura ng itim na bagay yun? Pisikal ba o ispiritwal?”

Alfonso: “Tingin ko kasi pisikal pero I think ako lang nakakita nun saka gabi kasi mga 11 pm. Saka brod hindi lang isa yung nakita ko mga tatlo sila sunud-sunod ang lipad nila sumabay sila sa hangin.”

Misteryo: “Ngayon ka lang ba nakakita ng ganun? Or maraming beses ka ng nakakita as clairvoyant?”

Alfonso: “Usually kasi nakikita ko lang sila na nakatayo or with someone else maybe yun ang susunduin nila pero this time hindi ganun kaya natakot ako.”

Misteryo: “Pwede mo ba I-describe yung nakita mo? May face ba sila? Nakita mo ba mga mata nila? Sabi ng iba wala daw mukha though may red eyes. Yung iba totally walang face total black o dark ang face nila.”

Alfonso:” Yes no face and it’s dark kasi hooded sila. They are shadows parang may cape sila na pag lumipad kumakampay then may hawak silang karit o scythe alam mo naman yung usual na hitsura ng kamatayan. Akala ko nga symbolic lang yung scythe meron din pala silang hawak.”

Misteryo: “Saan sila papunta nung makita mo what direction? Lagi ka ba nakakakita ng soul reapers?”

Alfonso: “I admit almost every night ako nakakakita ngayon maybe because marami talaga namamatay and besides nasa ghost month tayo ngayon.”

Misteryo: “If ever na makita mo sila ng face-to-face ano gagawin mo?”

Alfonso: “I usually ignore them kasi pag nag-engage ka sa kanila or any spirit magka-problem kaya ignoring them I think is the best defense to deal with them.”

Kayo mga ka-Misteryo, may nakita na ba kayong grim or soul reapers? Mag-email sa Misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.