Abante Tonite Interactive

Clarificatory hearing sa kasong rape vs Leyte ex-gov Yap itinakda

265

Itinakda ng Office of the Ombudsman sa Agosto 20, 2019 ang Clarificatory Hearing sa reklamo laban kay dating Southern Leyte Rep Christopherson Yap kaugnay sa paglabag sa Speacial Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at paglabag sa Code of Ethical Standards for Public Officials and ­Employees.

Si Yap ay pinahaharap kay Graft Investigation and Prosecution Officer Darius Sagadal.

Una nang inireklemo si Yap ng isang dalagitan na kanya umano hinalay nang una silang magkita noong Nobyembre 2017.

Sa reklamo ng biktima, nilasing umano siya ng ­driver at assistant ni Yap na si Romeo Gonzales bago sya ­pinasaka
y sa sasakyan ni Yap kung saan naman siya pinagsamantalahan.
Mauulit umano sana ang panghahalay sa biktima matapos ang dalawang linggo kung saan niyaya siya ni Gonzales sa isang drinking session at nagtungo sila ­gasoline station na pagmaay ari ng gobernador. Nang magtungo umano ito sa palikuran ay sinundan sya ni Yap at tinangkang gahasain subalit nagsisigaw ito kaya hindi natuloy ang tangka muli ng suspek.

Sa tulong ng Case Against Violence Visayas ay ­nagsampa ng reklamo ang 17- anyos na biktima laban kay Yap noong Pebrero 19, 2019.

Ang clarificatory hearing ay itinakda para makuha ang panig ni Yap matapos na rin makapagsumite na ang magkabilang panig ng kanilang mga affidavit. (Tina Mendoza)